Ano ang pangmatagalang epekto ng COVID-19 sa aking kalusugan?
Hindi pa natin alam ang pangmatagalang epekto ng COVID-19 sa kalusugan ng isang tao. Ang mga mas nakatatanda, mahina ang resistensiya, at may pre-existing condition ay tinuturing na high risk, at maaaring mas lumala ang kanilang mga kondisyon kapag sila ay makakuha ng COVID-19. Patuloy na pinag-aaralan ng ating mga siyentista ang COVID-19. May mga ulat ng mga pasyente sa ibang bansa na nahahawang muli ng COVID-19, kaya ang lahat ay pinaaalalahanang maging mas maingat.
Source: CDC