Anong mga pre-existing condition ang tinuturing na high-risk para sa COVID-19?
Ang COVID-19 ay bagong uri ng sakit. Sa ngayon, limitado ang ating kaalaman tungkol sa epekto ng COVID-19 sa mga may pre-existing condition at kung nakadaragdag ang mga ito sa tsansang magkaroon sila ng malalang sakit mula sa COVID-19.
Ayon sa CDC, ipinapakita ng datos na ang mga indibidwal kahit anong edad na may mga sumusunod na pre-existing condition ay tinuturing na high risk para sa malalang sakit dulot ng COVID-19:
- Cancer
- Chronic kidney disease
- Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
- Immunocompromised state (weakened immune system) mula sa solid organ transplant
- Obesity (Body Mass Index na 30 o higit pa)
- Heart conditions, tulad ng heart failure, coronary artery disease, or cardiomyopathies
- Sickle cell disease
- Type 2 diabetes mellitus
Habang kumakalap pa tayo ng impormasyon tungkol sa COVID-19, may iba pang mga pre-existing condition na nakadaragdag sa tsansang magkaroon ng malalang sakit mula sa COVID-19.
Ang mga taong may mga sumusunod na pre-existing condition ay maaaring ituring na high risk para sa malalang sakit mula sa COVID-19:
- asthma (mula sa katamtaman hanggang sa malalang hika)
- cerebrovascular disease (naaapektuhan ang mga blood vessel at suplay ng dugo sa utak)
- cystic fibrosis
- hypertension or high blood pressure
- immunocompromised state (mahinang immune system) mula sa blood o bone marrow transplant
- immune deficiencies
- HIV
- paggamit ng corticosteroids o iba pang gamot na nakapanghihina ng immune system
- neurologic conditions, tulad ng dementia
- liver disease
- pregnancy
- pulmonary fibrosis (pagkakaroon ng damaged o scarred na mga lung tissue)
- smoking
- thalassemia (isang uri ng blood disorder)
- Type 1 diabetes mellitus
Ang mga karagdagang datos ay nagsasaad na ang mga nakalistang pre-existing condition sa mga bata ay nakadaragdag din sa pagiging high risk.
Ang mga kabataan na may pre-existing condition ay napatunayang high risk na magkaroon ng malalang sintomas mula sa COVID-19 kaysa mga kabataang walang mga pre-existing condition. Ang mga batang may kondisyon na neurologic, genetic, at metabolic, o may congenital heart disease, ay high risk na magkaroon ng malalang sakit mula sa COVID-19.
Kung mayroon kayong mga pre-existing condition na nakalista sa itaas, hindi ito dapat ikatakot. Hinihimok kayong sumangguni sa inyong doktor o healthcare provider tungkol sa mga panganib na dala ng inyong mga pre-existing condition, para makagawa kayo ng mga desisyon base sa tamang impormasyon na makatutulong sa inyong makaiwas sa COVID-19.
Ang inyong doktor o healthcare provider ay nakatutok sa mga pag-aaral mula sa CDC at iba pang mapagkakatiwalaang ahensya upang mabigyan kayo ng tamang impormasyon at pag-aaruga ayon sa inyong mga pangangailangan.
Source: CDC