Mayroon bang mga domestic violence program sa Los Angeles na makakatulong sa mga nagsasalita ng Tagalog?
Kung kayo o ang inyong kakilala ay nakararanas ng krisis ngayon at kailangan ng agarang tulong, tumawag sa 911.
PAUNAWA: Hindi kumplete ang listahang ito. Patuloy kaming magdaragdag ng mga available na serbisyo dito.
- Ang Los Angeles County Domestic Violence Council (DVC) ay sumusuporta sa pamamaraang nakasentro sa mga biktima o survivor ng domestic violence, at mayroon silang coordinated na approach sa buong bansa upang tugunan ang intimate partner violence (IPV).
- Kung kailangan ninyo ng tulong o suporta para tugunan ang domestic violence, tumawag sa DV Hotline sa (800) 978-3600 o 2-1-1.
- Ang CENTER FOR THE PACIFIC ASIAN FAMILY, INC. 24-Hour Hotline ay nakatutok sa mga kliyenteng Asian o Pacific Islander (API). Nakakatulong din sila sa mga nagsasalita ng Chinese, Korean, Tagalog, Thai at Vietnamese: 800-339-3940