Natanggal ako sa trabaho at nawalan ako ng health insurance. Paano ako makakukuha ng libreng COVID-19 test?
Kung kayo ay nakatira sa LA County at kailangan ninyo ng libreng COVID-19 test, tumawag muna kayo sa inyong primary care provider o pinakamalapit na healthcare center para humingi ng impormasyon. Kung wala kayong access sa healthcare, nagbibigay ng libreng COVID-19 test ang County of Los Angeles.
Ang libreng testing ay nakalaan para sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga, pangangatog, pagkahapo, sakit sa kalamnan, sakit ng ulo, namamagang lalamunan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, barado ilong o sipon, pagsusuka, o pagdudumi. Kung nagkaroon kayo ng close contact sa isang taong nag-positibo sa COVID-19, maaaring eligible kayo para sa libreng COVID-19 test.
Maaari din kayong maging eligible para sa libreng test kung kayo ay nakatira o nagtatrabaho sa mga skilled nursing facility, residential care facility, o kung kayo ay nakararanas ng kawalan ng tirahan.
Kung kayo ay essential worker na may madalas na contact sa publiko sa pamamagitan ng healthcare, emergency services, food at grocery, retail o manufacturing, pampublikong transportasyon, at edukasyon, maaaring eligible kayo para sa libreng COVID-19 test mula sa County of Los Angeles.
Humanap ng mga testing site sa LA County at magpagawa ng appointment dito.
Source: LA County