Paano ako magre-report ng mga workplace safety violations kaugnay sa COVID-19?
Ayon sa Department of Industrial Relations of the State of California, may karapatan kayo bilang manggagawa na mag-file ng complaint na may kaugnayan sa workplace safety at health hazards ayon sa California Occupational Safety and Health Act of 1973.
Ang tunay na identidad ng sinumang magsu-sumite sa Division of Occupational Safety and Health (DOSH), o mas kilala sa tawag na Cal/OSHA, ay protektado ng batas, maliban kung inyong hihilinging ipalathala.
Para mag-file ng workplace safety violation complaint, magtungo sa Cal/OSHA website at hanapin doon ang contact information ng pinakamalapit na district office sa inyong pinagtatrabahuhan. Maaari kayong tumawag sa kanilang opisina kapag business hours o kayaāy i-email ang inyong complaint.
Bago makipag-ugnayan sa Cal/OSHA, kumalap muna kayo ng sapat na impormasyon upang matugunan ang inyong concern sa lalong madaling panahon. Kayo ay inaanyayahang magbigay ng mga sumusunod na impormasyon:
- Pangalan, address, at telephone number ng worksite
- Uri ng negosyo
- Pangalan at titulo ng manage sa worksite
- Ang inyong pangalan, address, telephone number, at email address
- Detalyadong deskripsyon ng hazard
- Kung malaki ang worksite, ang specific na lokasyon ng hazard
- Mga operasyon, kagamitan, makinarya, at kemikal na ginagamit sa worksite
- Mga uri ng work task na ginagawa malapit sa hazard
- Gaano kadalas ginagawa ang mga work task at kung gaano katagal sa bawat pagkakataon
- Ilan ang mga work shift, oras ng pagsisimula ng mga shift, at kung anong shift ang naapektuhan ng hazard
- Ilan ang mga empleyado sa worksite, ilan dito ang mga na-expose sa hazard, at kung gaano kalapit ang mga empleyado sa hazard
- Mga empleyado na nasaktan o nagkaroon ng sintomas mula sa hazard at kung sinubukang ayusin ng may-ari ang hazard
- Gaano katagal sa tingin ninyo magtatagal ang hazard sa worksite
- Kung may employee bargaining unit representative sa worksite, ang kanilang pangalan at contact information
Kung nakatira kayo sa LA County, maaari kayong mag-file ng complaint dito:
- Tumawag sa LA Public Health sa numerong 2-1-1 o mag-fill out ng form dito.
- Para sa mga COVID-19 specific na complaint, mag-fill out ng form dito.